Hinayaan ng Japan-based na si Gallego na umabante si Au sa 5-1 sa kaagahan ng laban ng event na inorganisa ng ESPN STAR Sports.
Ngunit hindi nawalan ng kumpiyansa ang tubong Bacolod City na kumuha ng limang sunod na racks upang agawin ang kalamangan sa 6-5.
"Hindi ako nawalan ng pag-asa nung nalamangan na ako. Alam kong may pag-asa akong makahabol," pahayag ni Gallego na replacement para kay 2004 World Pool champion Alex Pagulayan.
Kinubra ni Gallego ang champion prize na $10,000 (P530,000) habang nagkasya naman si Au, isang snooker specialist sa $5,000.
Nauna rito, umiskor din si Gallego ng come-from-behind 11- 8 win laban kay two-time World Pool champion Chao Fong Pang ng Chinese Taipei sa semifinals.
Tatlo pang Pinoy ang lumahok sa event na ito na sina Ho Chi Minh champion Efren Reyes na nasibak sa quarterfinals, Marlon Manalo na nalaglag din sa round of eight at Francisco "Django" Bustamante na nasibak sa second round.
Ang susunod na leg ay sa Kaohsiung, Taiwan sa August habang ang final leg ay sa Jakarta sa September.