"Bad timing," wika ni Roach sa isang panayam mula sa Hollywood, Cali-fornia, kahapon ng uma-ga. "I am really pissed about this and I have talked with Manny and told him to concentrate on his training."
Lampas dalawang linggo na sa Amerika si Pacquiao at pinaghahan-daang mabuti ang nala-lapit na dwelo kay Oscar Larios ng Mexico sa Hulyo 2 sa Araneta Coliseum. Nakatakdang bumalik sa Pilipinas si Pacquiao sa Hunyo 20 kasama si Roach.
"I have told the people involved that we should talk all about this after the fight (with Larios)," dagdag pa ni Roach na umaming hindi basta na lamang mababalewala ni Pac-quiao ang kasong inihain kina Gacal at Salud.
Si Gacal ang nagsisil-bing legal adviser ni Pac-quiao at si Salud naman ay isa rin sa mga advisers nito.
Sinampahan ng kaso nila Finkel ang dalawa noong Mayo 30 sa Los Angeles ilang oras bago ang kanilang flight patu-ngong Maynila lulan ng Philippine Airlines. Duma-ting sina Gacal at Salud noong Huwebes ng umaga.
Binigyan ng korte ng 30 araw sina Gacal at Salud na rumesponde sa kasong inihain ng mga Amerikanong handlers ni Pacquiao.
Bagamat mayroong malaking problemang hi-naharap muli si Pac-quiao, hindi pa rin ito uma-no nagpa-apekto sa kan-yang ensayo kahapon ayon kay Roach.
"Are you a middle-weight?" tanong ni Roach kay Pacquiao. "Manny answered no of course. But I told him I thought he was a middleweight be-cause he punches like one."
Kabilang sa mga kais-par ni Pacquiao ay dala-wang Russians. Sa Lunes naman ay isang Leba-nese.