Finals slot asam ng Toyota

Ngayong araw, bibig-yang katuparan ng Toyota Otis na maisakatuparan ang kanilang pangarap na makarating sa kauna-unahang finals appearance.

Tangka ng Spark ang panalong magluluklok sa kanila sa championship round ng 2006 PBL Heroes Cup na bubura ng kanilang pangungulelat sa nakaraang kumperensiya.

Ngunit tiyak na hindi magiging madali ito sa kanilang pakikipagharap sa defending champion Rain Or Shine na determi-nadong ipagtanggol ang kanilang korona.

Alas-4:00 ng hapon ang sagupaan ng Toyota at Elasto Painters pagka-tapos ng sagupaan ng Harbour Centre at Mon-taña Pawnshop na sisi-mulan ngayong alas-2:00 ng hapon.(CVOchoa)

Show comments