Sa board two, nakatabla si 2005 SEA Games silver medalist WNM Catherine Pereña kontra kay WGM Shadi Paridar habang nadapa naman ang kanyang kateammate at baguhang si WNM Sherily Cua kay WFM Shirin Navabi sa board three.
Target ng mga Pinay na malagpasan ang 48th place finish sa 36th Palma de Mallorca edition may dalawang taon na ang nakalilipas sa kanilang 13.0 points para makasama sa 36th place hang-gang ika-41st na puwesto na kinabibilangan ng Iran, Turkmenistan, Switzerland, Sweden at ninth round opponent 41st-seeded Turkey.
Sa mens play, nakihati ng puntos si GM Rogelio "Joey" Antonio Jr., hawak ang puting piyesa kay GM Zhang Zhong sa marathon 63 moves ng Ruy Lopez Opening sa board two.
Bigo naman ang pambato ng bansa at top ranked player na si GM Mark Paragua, tangan ang itim na piyesa kay GM Bu Xiangzhi sa 59 moves ng Slav Defense sa board one habang yumuko din si reigning national open champion NM Darwin Laylo kay GM Zhang Pengxiang matapos ang 43 moves ng Center Counter Game sa board three at natalo din si FM Oliver Dimakiling kay GM Wang Yue matapos ang 44 moves ng Veresov Opening sa board four.