Naging doble pa ang selebrasyon ng bansa nang magpakitanggilas naman ang RP womens team na pinayuko ang Finland, 2.5-0.5.
Nagpakita ng mahusay na performance ang mga rookies na sina WNM Catherine Peñena at Sherily Cu nang hiyain nila sina WIM Tanja Rantanen at Laura Savola, ayon sa pagkakasunod sa board two at three sa seventh round ng 37th World Chess Olympiad sa Olympic Village sa Turin, Italy.
Bukod tanging top board player ng Finland na WIM na si Nina Sammalvuo (ELO 2249) ang nakahablot ng tabla kontra kay WFM Sheerie Joy Lomibao para makaiwas sa pagkabokya.
Sa mens competition, tinalo ni GM Mark Paragua, hawak ang puting piyesa, si GM Hlifar Hannes Stefansson sa loob lamang ng 22 moves ng Spanish Game para maitala ang unang panalong 35th-seeded mens team sa board one.
Nakapag-ambag naman si Reigning national open champion NM Darwin Laylo ng tabla kontra kay GM Henrik Danielsen sa 51 moves ng English Duel sa board three.
Inilista naman nina GM Rogelio "Joey" Antonio Jr. at FM Oliver Dimakiling ang final blow ng gulantangin nila sina dating world championship candidate GM Johann Hjartarson sa 44 moves ng Nimzon-Indian Defense at GM Throstur Thorhallsson (ELO 2448) sa 47 moves ng Queens Pawn Opening sa board two at four.