Bagamat naging ma-gaan ang panalo sa unang set at maagang nakaabante sa ikalawang frame, sinayang ng Asun-cion siblings ang apat na match points bago mai-selyo ang 21-13, 21-19 panalo laban kina Jun-takemura at Yasuyo Ima-beppu upang makausad sa quarterfinal round.
Laking pasasalamat ng dalawa sa crowd na nag-cheer sa bawat pun-tos at nagbigay sa kanila ng lakas nang magbanta ang mga Hapones na dalhin ang laro sa deciding set makaraang makaba-ngon mula sa 15-20 deficit nang ipagkait nila ang apat na match points bago nakumpleto ng Asuncions ang tagumpay sa pama-magitan ng crosscourt slice ni Kennevic.
Susunod na makaka-laban ng mga Asuncion ang mga pares mula sa Indonesia na sina Puri Setyo at Lili Wang na nag-tala ng 21-15, 18-21, 21-17 panalo laban kina Nattapon Naktong at Duang-Anong Arunke-sorn ng Thailand.
Ang panalong ito ay pambawi sa nalasap na kabiguan ni Kennevic sa mens singles gayundin ni Jaime Junio.
Dahil kulang sa kara-nasan sa singles mat-ches, nahirapan si Kenne-vic sa fifth seed na si Yan Kit Chan ng Hong Kong, 21-18, 21-15.
Tuluyan nang naubos ang mga pambatong Pinoy sa mens singles sa torneong ito na suportado ng The Philippine Star, matapos masibak si Junio kay Arvind Bhat ng India, 21-16, 21-13.
Samantala, matapos maka-bye sa unang round, nakausad sa round-of-16 sina top seed Hashim Roslin ng Malay-sia at No. 2 pick Wei Ng ng Hong Kong, matapos sibakin sina Agus Hari-yanto ng Hong Kong, 21-9, 18-21 at 21-15 at Wei Ng ng Hong Kong, 21-14, 16-21, 21-7 ayon sa pagkakasunod.