Humataw ang Air21 sa ikaapat na quarter sa pangunguna ni Yancy De Ocampo na nagbida sa malaking run sa bungad ng naturang yugto upang ihatid ang Express sa ikatlong sunod na panalo at ikapito sa kabuuang16-laro.
Gayunpamnan, wala sa kanilang kamay ang kanilang magiging kapala-ran.
Makakahirit ang Air21 ng playoff para sa ikatlo at huling awtomatikong quarterfinals berth kung hindi makakaabot ng wa-long panalo ang defend-ing champion Barangay Ginebra na may 6-8 karta at ang Coca-Cola na may 7-8 record.
Bagamat naglaho ang 10-puntos na kalamangan ng Express, 63-53 sa ikat-long quarter nang maka-lapit ang Beermen sa 83-81 papasok sa final canto, gumana ang maiinit na kamay ni Yancy De Ocampo na umiskor ng 10 sa kanyang tinapos na 17-puntos sa 18-2 run upang umagwat ang Express sa 99-87 papa-sok sa huling 6:20 minuto ng labanan.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang defending champion Barangay Ginebra na nais maka-iwas sa wild card phase at ang Alaska Aces na pun-tirya ang awtomatikong quarterfinal slot. (CVO)