Nakausad din sa susu-nod na round ang mga teenagers na sina Karyn Velez at Irene Chiu na pareho ding naging ma-gaan ang panalo sa five day Four-star tournament na ito na nilahukan ng mahuhusay na shuttlers sa buong mundo.
Tinalo ni Velez, ang pinakabatang Pinoy cam-paigner seeded na 16, si Lao I Man ng Macau 21-12, 21-9, habang iginupo naman ng 21-year-old legal management gra-duate ng Ateneo de Manila na si Chiu, si Pun Si Pui ng Macau, 21-5, 21-4.
Gayunpaman, pare-hong mabigat ang kala-ban ng dalawang teener sa susunod na round dahil makakaharap ni Velez ang fourth seed na si Anu Nieminen ng Finland na nagtala ng 19-21, 21-17, 21-3 panalo kay Eva Lee ng United States, habang ang top seed at World No. 4 Xu Huaiwen ng Ger-many naman ang susu-nod na sasagupain ni Chiu sa event na ito na sponsored ng Bingo Bonanza at JVC (PHILS.).
Tatlo pang Pinoy ang lumaban kahapon ngunit hindi sila pinalad na manalo.
Yumukod si Owen Lopez sa kanyang South-east Asian Games rival na si Nguyen Quangh Minh ng Vietnam, 8-21, 4-21; nabigo si Rodel Bartolome sa kanyang tangkang upset nang hindi nito nasustinihan ang oposis-yon laban kay Anup Sridhar ng India, 21-11, 8-21, 20-22; habang natalo naman si Wilson Frias kay Lee Tsuen Seng ng Malaysia, 2-21, 5-21.