Kinumpirma nila na so far, okay naman ang recovery stage ni Eugene at in high spirits siya sa ngayon.
Nakakaupo na raw ito at kinumpirma nilang nagiging mabilis ang recovery niya after the surgery a few days ago.
Binibisita pa rin siya ng mga kaibigan niya dun at kahit paano, madalas daw na nakangiti ngayon si Eugene.
Kinumpirma nila na wala silang sinisisi sinumang player sa nangyari, lalo na si Mike Pennisi.
Alam yan ng tatay ni Eugene na si Danny kasi nga dati rin siyang basketball player.
Alam niya ang risk ng isang rugged play kaya sabi nga niya, aksidente yan at walang dapat na sinuman ang masisi.
Alam nilang pareho na magiging matagal ang rehab ni Eugene to even attempt to get back to old form.
Pero marami ang nagbibigay ng encouragement kay Eugene na marami nang similar cases ang nangyari sa athletes ng ibang sports pero nakabalik rin sila after full recovery.
Yan ngayon ang pinagsasandalang pag-asa ni Eugene.
Second hand nga lang pero kahit na, hindi pa rin daw niya ito maa-afford knowing his financial status.
Kung ganun, kanino galing ang kotseng dina-drive niya ngayon.
Aba, kanino pa kundi kay "Papa".
Si papa na isang mayamang bading na baliw na baliw sa kanya.
Ha ha ha.....
Lumabas daw itong naka-sandals mula sa dugout at nung lapitan ni fan, kitang kita niya ang mga patay na kuko sa paa ni player.
Kaya kayung mga player na maraming patay na kuko, konting iwas naman sa pagsa-sandals o tsinelas pag nasa coliseum.
Laking turn-off niyan sa mga fans....
Jogging dito, jogging doon, exercise dito, exercise dun.
Halos maubos na ang suweldo ni player sa mga diet pills niya na imported pa naman.
Pero tuwing haharap siya sa salamin, balyena pa rin ang tingin niya sa sarili niya.
Puro vericose veins pa rin ang nasa legs niya.
puro XL pa rin ang kasyang damit sa kanya.
Ano ba yan?