Nakakalungkot lamang na 8 stage na lamang ito hindi tulad ng dati na umaabot pa ito ng hanggang 17-21 days.
Maraming ruta ang nawala kabilang na dito ang matarik na pagdaan sa Tatlong Eme .
Buti at namintina ang tinaguriang killer lap na Baguio City.
Sa Linggo matatapos ito at hindi rin katulad ng dati, na sa Luneta Park tinatapos ang karera sa pamamagitan ng criterium race.
Ngayon tatapusin ito sa Marikina.
Sayang at marami ang naghihintay dito lalo na kapag tag-araw kung saan naging tradisyon na ang Tour sa ibat ibang probinsiyang dinaraanan nila.
O well, sana naman next year uli makabalik pa rin ang karerang ito na hinihintay din ng mga siklista.
Pero tanong ng marami bakit daw ganun na lang kaikli ang karera?
Pagkatapos nito, naiyak sa sakit si Eugene at hindi na makagalaw mula sa kanyang pagkakabagsak. Nagreklamo din ito ng sakit mula sa likuran pababa sa may spine at nagsabing namamanhid na ang katawan at walang nang nararamdaman.
Umiiyak na bumaba patungo sa playing court ang kanyang girlfriend, ang artistang si Jenny Hernandez upang i-comfort ang kanyang love. Walang magawa ang mga doktor ng team at maging ang PBA dahil ayaw nilang galawin si Eugene kasi baka lumala lang ang mangyari.
Sana naman walang masamang mangyari kay Eugene.
Sana huwag mag-over confidence si Pacquiao dahil kay Larios walang mawawala samantalang sa kanya malaki?
Di ba?