Tinubos ng mga Big City athletes ang overall title sa elementary at secondary division sa pormal na pagsa-sara ng 2006 Palarong Pam-bansa kahapon dito sa Metro Naga Sports Complex.
Naglista ang NCR ng ka-buuang 275.6 puntos sa ele-mentary level sa itaas ng 211.5 ng Region IV-A (CALABAR-ZON), ang 140 ng Region VI (WVRAA), ang 119 ng Region VII (CVRAA) at ang 55 ng Region XI (DAVRAA).
Nagposte naman ang NCR ng 269.5 puntos sa secondary level kasunod ang 232 ng Region VI (WVRAA), ang 226.5 ng Region IV-A (CALABARZON), ang 132 ng Region VII (CVRAA) at ang 108.5 ng Region III (CLRAA).
Nagtapos ang kampanya ng host Region V (BRAA) bi-lang ikapito sa elementary at secondary mula sa nakolek-tang 48.33 at 55 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Sa huling mga laban kaha-pon, tinalo ng NCR cagers ang Region VI (WVRAA), 57-53, tampok ang 17 puntos ni Borgy Hermida, para patuloy na dominahin ang basketball event, habang binigo naman ng NCR clouters ang Region VII (CVRAA), 9-2, sa finals.
Samantala, inaasahang ihahayag ng Department of Education (DepEd) sa Hunyo ang rehiyon na siyang mama-mahala sa 2007 Palarong Pambansa kung saan nagha-yag ng kanilang interes ang Tubod, Lanao del Norte at Koronadal, South Cotabato.
Kumpara noong 2005 sa Iloilo City kung saan kabuuang 23 bagong marka ang naitala, pito rito ay sa athletics at 16 sa swimming competitions, siyam lamang ang naisumite sa nasabing dalawang events ngayong taon.
Tigalawang individual marks ang tinabunan nina Dorothy Grace Hong at Jasmine Al-Khaldi, nagbulsa ng anim na gold medals, ng NCR para pangunahan ang lima pang bagong rekord sa swimming. (Russell Cadayona)