Nagdesisyon muna si Pacquiao na manatili pa ng isang araw dito upang maipagdiwang ang kaarawan ng kanyang ina na si Dionisia (Nene) sa Lunes bago tumulak sa Maynila patu-ngo sa Los Angeles sa ganap na alas-10 ng gabi.
Bago ang kanyang pag-alis bukas, sasalubungin niya ang kanyang mga well-wishers sa lobby ng Disco-very Suites sa Ortigas, Pasig ang opisyal na tirahan ng kanyang partido at ni Oscar Larios.
"I am very happy to see my son train and jog daily, because he gets to be seen by his town-folks who love him dearly," ani Nanay Nene.
Ang buong pamilya ni Pacquiao, mula sa kanyang ina, kapatid na panga-nay na si Isidra, Bobby na isa ring boksi-ngero at Rogel, na namamahala ng kan-yang Manny Pacquiao Promotions ay, nagpo-promote sa Pacquiao versus Larios sa, July 2 sa Araneta Coliseum -- ay may pabaon na matiwasay na pag-sasanay.
"My only wish is a simple prayer, that Manny comes home safe and victorious on his next bout," anang kanyang ina. "Hes been a very dutiful son and I am very proud of him."