Ang 29-anyos na si Larios ay ipinanganak sa Guadalajara--Mexicos second biggest city. Siya ay may taas na 67-inch at may taglay na pro record na 56 wins (36 knockouts), apat na talo, isang draw sa 61 bouts.
Sinusundan ni Larios ang anino ng kanyang ama na si Teodoro, na naging pro noong 1980s at nanalo ng lightweight title. Matapos na umiskor ng 30-4 win-loss record, umakyat si Oscar sa pro sa edad na 17 noong Jan. 17, 1994, halos isang taon bago naman magsimula ng kanyang sariling career si Pacquiao.
Matapos ang walang talong 28-bout win streak upang tumabla sa personal record best ng kanyang ama, tinanghal rin siya bilang Mexicos state super bantam champion, matapos ito, siya ay lumasap ng kanyang unang kabiguan sa International Boxing Federation super bantamweight king Israel Vasquez na nagpabagsak sa kanya ng dalawang ulit.
Nalasap rin niya ang kanyang ikalawang sunod na kabiguan kontra sa WBO champ na si Agapito Sanchez sa fifth-round setback matapos na dumanas ng masamang hiwa. Ito rin ang araw ng dirty fighter na si Sanchez, na nakipag-draw kay Pacquiao noong Nov. 11, 2001 sa San Francisco, California para sa kauna-unahan at natatanging draw ni Pacquiao sa kanyang record.
Nasikwat ni Larios ang kanyang titulo noong Nov. 2, 2002 bago tumulak patungong Amerika upang lumaban kay Willie Jorrin sa 122 lbs. WBC crown, taglay ang kanyang unanimous decision win laban kay Cesar Soto.
Nakuha naman ni Larios ang kanyang ikalawang title laban naman sa karibal na si Israel Vazquez, na kanyang winalis upang maitakda ang rematch kay Jorrin para sa WBC diadem. Nanalo si Jorrin na naging daan upang mapigil ang Mexican sa kanyang kampanya para sa world title.