Ipiniprisinta ng Tan-duay Rhum sa kooperas-yon ng Wow Magic Sing, ang Stage One ng Pad-yak Pinoy ay kapapaloo-ban ng 199 km race na magdadala sa mga riders sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija.
Inaasahang ipuputok ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte ang starting gun para sa mga riders na maghahabol at makikipagkarera sa kabu-uang pa-premyong P2.5 million--na ang winning team ay tatanggap ng P500,000 ay ang top individual rider naman ay magbubulsa ng prem-yong P150,000.
May 10 koponan na bubuuin ng 8 siklista sa Tour na inorganisa ng Dynamic Outscore Solu-tions Inc. na pinamumu-nuan ni Gary Cayton, pinamamahalaan ng Philippine National Cy-cling Association ni dating Eagle of the Mountain Paquito Rivas at may basbas ng PhilCycling.
Pagkatapos ng yugto ngayon ng Padyak Pinoy na suportado din ng Department of Tourism sa pamamagitan ni Under-secretary Cynthia Carrion, Metro Manila Develop-ment Authority ni Bayani Fernando, Philippine Na-tional Police at Depart-ment of Public Works and Highways, ang mga siklista ay pipidal mula sa Cabanatuan City hang-gang San Fernando City, La Union, para sa 208-km Stage 2. (CVOchoa)