Nagbida sina Jet Lato-nio, Dennis Concha at Alfie Grijaldo sa pagka-mada ng pinagsama-samang 22-puntos sa final quarter upang ihatid ang Snackmasters sa ikaanim na panalo matapos ang 11 laro.
Nalasap naman ng Jewels ang ikatlong kabi-guan sa 11 pakikipagla-ban ngunit nananatili pa rin sila sa pamumuno.
Nakinabang ang walang larong Toyota sa panalong ito ng Granny Goose dahil nabigyan sila ng karapatang saluhan sa liderato ang Jewels ng walang kapagod-pagod.
Samantala, nakawala na rin sa dalawang sunod na kamalasan ang 2005 Heroes Cup titlist Mag-nolia Dairy Ice Cream nang muli nilang igupo ang TeleTech Titans, 88-79, sa unang laro. (CVOchoa)