Beermen magbabalik sa winning track

Matapos masira ang kanilang imakuladang seven game winning streak, sisikapin ng league-leader na San Miguel Beer na makabalik agad sa winning track habang lalaro naman ang Air21 na hindi kasama ang kanilang chief gunner na si Ren Ren Ritualo sa pakikipagharap sa Pure-foods Chunkee na ma-taas ang morale bunga ng nakaraang tagumpay.

Ito ang senaryo sa dalawang laro ngayong nakatakda sa Araneta Coliseum kung saan mag-sasagupa ang Express at Chunkee Giants sa alas-4:40 ng hapon na susun-dan ng sagupaan ng Sta. Lucia Realty at SMBeer sa alas-7:35 ng gabi sa pagpapatuloy ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup.

Malamang, hanggang ngayon ay nakalutang pa rin sa ere ang Purefoods dahil sa  kanilang naka-raang 82-75 pamamayani laban sa Beermen noong Biyernes na kanilang ika-apat na sunod na panalo.

Malaki ang panalong ito para sa Purefoods dahil bukod sa sila ang naka-pigil sa Beermen, nakisalo pa sila sa pangkalahatang pamumuno matapos ipares ang kanilang karta sa San Miguel Beer sa 9-3 win-loss slate.

Base sa tournament format, ang top-two-teams pagkatapos ng classifi-cation round ay didiretso sa semifinals at ito ang puntirya ng Giants at San Miguel na pareho nang nakapuwesto sa itaas.

Sisikapin ng Pure-foods na masundan ang nakaraang tagumpay para sa kanilang ikali-mang sunod na panalo laban sa Air21 na lalarong wala si Ritualo at Patrick Fran matapos makipag-trade sa Talk N Text kamakalawa.(CVOchoa)

Show comments