Napabilib siguro siya na sikat na sikat pa rin dito si Rodman at ang ilang NBA stars.
Napaniwala siya siguro na baliw na baliw ang mga Pilipino sa mga NBA stars bago man o has-beens na.
Napaniwala siya siguro na dahil baliw ang Pinoy sa basketball, he'd be more than willing to spend thousands of pesos para lang mapanood ang isang game na tulad nito.
Napaniwala siya na maraming sabik na sponsors at advertisers dito sa Pilipinas para suportahan ang TV coverage nito.
Napaniwala siya na kahit kulang sa merchandising at promotions, lulusob ang mga Pinoy sa Araneta Coliseum para lang panoorin ang larong ito.
Naniwala siya marahil sa lahat ng ito.
Tuloy ang ending, napakalaking lugi ang project na ito.
Ang pinakahinihintay nilang Rodman eh wala namang ginawa kundi ilang points lang. Eh siya ang ibenenta sa larong ito and yet, wala namang nakita mula sa kanya.
And worse, ang tatay niyang taga-Pampanga na nagnais maka-lapit sa kanya at makausap man lang siya eh nagkaroon pa ng proble-ma sa Araneta Coliseum.
After the game, sinabi ni Chot Reyes na "this only proves we have a national team" or something to that effect.
Annooooo?
Nakakaloka dahil noon, problema ng mga masang Pinoy kung saan kukuha ng P1,000 na sinabi nilang presyo sa general admission.
Ngayon, may mas malaking problema na sila.
Paano makakakuha nung libreng ticket?
Sa dami ng gustong makakuha ng libreng ticket na yan, tiyak na may problema na naman ang ABS-CBN sa posibilidad na mauwi na naman yan sa stampede.
Paano ipamimigay yan--- text, raffle, contests, radio promos, TV promo, o proof of purchase?
Sige nga, hayaan muna nating i-solve yan ng mga taga Channel 2.'
Dahil kilala nga naman ni Yao si Tony Lu, hindi na nahirapan ang mga RP team members na magpakuha ng litrato kasama si Yao.
Pag-uwi sa Pilipinas, pina-develop ni Tony ang mga pictures at inilagay sa frame as per request ng mga pro players. Nung matapos, dineliver niya ang mga picture frames sa mga players.
Pagkatapos ng maraming taon mula nung Busan Games, awa ng Diyos, sabi ni Tony, hindi pa rin siya nababayaran ng marami sa mga national players na ito.
Pinapa-bukas-bukas daw siya ng mga ito tuwing sisingilin niya.
At magugulat kayo sa kung sinu-sino ang mga players na ito na puro sikat na sikat at ang laki-laki nang kinikita sa PBA.