Rain Or Shine nagsosolo sa itaas

Nasolo ng Rain Or Shine ang liderato nang kanilang itakas ang dra-matikong 62-59 panalo laban sa Hapee-PCU sa pagpapatuloy ng elimina-tions ng 2006 PBL Unity Cup sa Olivarez College Sports Center sa Para-ñaque.

Gumamit ng malagkit na depensa ang Elasto Painters upang pigilan ang pagtatangka nina Gabby Espinas at Rob Sanz na nag-drive at triple ayon sa pagkakasunod upang ihatid ang Rain Or Shine sa ikatlong sunod na panalo.

Dahil dito, solo na sa liderato ang Elasto Paint-ers na may 7-2 kartada matapos iwanan ang mga dating kasosyong Monta-ña Jewels na may 6-2 record at Toyota Otis-Letran na bumagsak sa 6-3 kartada matapos ang 80-71 kabiguan laban sa Harbour Centre sa unang laro.

Sinira ng Port Masters ang two-game winning streak ng Toyota matapos nilang iahon ang kartada sa 3-6 panalo-talo. (CVO)

Show comments