Ipaparada ng Lady Archers at ng Lady Stags, champions ng UAAP at NCAA ayon sa pagkakasunod, sa alas-6:00 ng gabi kung saan hangad ng La Salle ang magandang simula sa kanilang kampanya para sa ikatlong sunod na titulo.
Ang mananalo sa dalawang laro ngayon ay hahanay sa mga opening day winners na Adamson at Ateneo de Manila.
Ang 2005 UAAP finalist Adamson ay nagdebut sa pamamagitan ng impresibong 25-14, 25-20, 25-20 panalo laban sa 2005 NCAA runner-up Philippine Christian U habang naungusan ng Ateneo ang University of the East sa marathon 25-20, 25-17, 21-25, 20-25, 15-10 noong Sabado.
Sasandal ang La Salle sa matangkad na 23-gulang na si Kanchana Jindarat habang aasa naman ang San Sebastian kay Boulee Jalerns, 23-gulang din.
Kilala ang mga manlalarong ito na mga power hitters kaya pakakaabangan ang laban na ito sa torneong ito na hatid ng Shakeys Pizza, Accel at Mikasa.