Tulad ng kanilang dramatikong 68-67 panalo laban sa Granny Goose Tortillos noong Huwebes, sumandal ang Sparks kay Boyet Bautista para sa kanilang ika-anim na panalo sa walong laro upang irehistro ang kanilang pinakamalaking come-from-behind win matapos makabalik mula sa 20-point deficit upang igupo ang Montaña Pawnshop sa first round.
Nasayang ang 49-26 kalamangan ng Titans sa kaagahan ng ikatlong quarter nang makabangon ang Sparks sanhi ng kanilang ikapitong talo sa walong laro.
Ibinuhos naman ng Snackmasters ang kanilang galit kontra sa Hapee-PCU matapos ang 66-54 panalo sa second game para sa 4-4 record.
Pinangunahan ni Joe Devance ang Toyota sa kanyang kinamadang 27-puntos na sinuportahan ni Bautista ng17.
Nalasap naman ng Teethmasters ang ika-limang talo matapos ang walong laro.(CVO)