Inaasahang ang $120,000 event, ang kauna-unahang four-star tournament na sanctioned ng IBF (Interna-tional Badminton Federation) na idaraos sa bansa ay haha-kot ng atensiyon hindi lamang ng mga mahuhusay na manla-laro sa rehiyon kundi maging sa America gayundin sa Europe.
Ang iba pang koponan na lumagda sa nasabing event na itinataguyod ng Bingo Bonan-za, JVC, PLDT at Smart, ay ang Indonesia, South Korea, Vietnam, Japan, Chinese-Taipei, Canada, Austria, England, Singapore at India.
Ang mga nauna ng nabi-ling tiket para sa bagong pet-sa ng nasabing event ay tatanggapin pa rin, ayon sa img.
Ang mga tikets para sa bagong playdates ay maaari na ring mabili sa mga Ticket-world outlets sa mga sumu-sunod na kategorya: May 24-26 Category 1 (P200); Cate-gory 2 (P150); Category 3 (P100); Category 4 (P50); Gallery (P10); May 27-28 Category 1 (P500); Category 2 (P350); Category 3 (P250); Category 4 (P150); Gallery (P20).
Para sa detalye tumawag sa Ticketworld sa 891-9999, o mag-log on sa www.ticket-world.com.ph o maaaring tumawag sa PBA, Badminton Hall, Rizal Memorial Sports Complex, P. Ocampo St., Malate, Manila c/o Joel Mabborang sa 0926 5973222 o magpadala ng e-mail sa joebm_13@yahoo.com at sa aglipay@globequest.com.ph o log sa events website sa http://www.philippineopen-badminton.com.