Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Jose "Peping" Cojuangco, Jr., ang magan-dang usapan lamang ng PSC at mga NSAs ang kaila-ngan para maibsan ang tensyon sa magkabilang panig.
"Tama naman yon na magkapaliwanagan sila," wika ni Cojuangco. "I dont believe that the Philippine Sports Commission will go to that extent na para silang pulis na hinahabol yung mga NSAs. Their task is to help the NSAs."
Nauna nang inutusan ng Senado at ng Commission on Audit (COA) ang PSC na kunin ang dokumento ng nakuhang cash advances ng mga NSAs bago magpala-bas ng pondo.
Isa ang Philippine Ama-teur Track and Field Asso-ciation (PATAFA) ni Go Teng Kok sa mga NSAs na hindi pinagbigyan ng PSC hinggil sa kanilang financial request na P1.4 milyon para sa pagdaraos ng 2006 National Open Invitational Champion-ships sa Mayo 4-7 sa Rizal Memorial Track Oval.
Sinabi ng komisyon na hindi pa rin nali-liquidate ng PATAFA ang cash advances nitong P1.4 milyon mula sa kabuuang P1.9 milyon.
"Marami lang na hindi pa nagkakaliwanagan. In fact, minsan nga nag-usap kami ni PSC chairman (William) Ramirez at sabi niya ayaw na niyang lumabas ito sa mga diyaryo at gusto lang niya na magkausap-usap para maliwanagan lahat," ani Cojuangco.
Sa kabila ng paghihigpit sa pagbibigay ng pondo, ilang NSAs naman ang sinuportahan ng PSC kaugnay sa kanilang foreign trip katulad ng boxing at baseball base na rin sa maayos nilang liquidation. (Russell Cadayona)