Beteranong coach kontra sa baguhang coach

Isang beteranong coach haharap sa isang bagitong mentor.

Ito ang match-up sa All-Star Game na gaga-napin sa Abril 29 bilang culminating event ng All Star Week na sa kauna-unahang pagkakataon ay ihi-host ng Ozamis Orien-tal na gaganapin sa Caga-yan de Oro City.

Nakatakdang magta-gisan ng coaching strate-gies ang beteranong coach na si Jong Uichico at ang mentor ng Coca-Cola Tigers na si Binky Favis na nasa kanyang ikalawang kumperensiya pa lamang.

Nakuha nina Uichico at ni Favis ang karapa-tang mag-coach sa All-Star game matapos pa-munuan ang unang ba-hagi ng eliminations ng PBA Gran Matador Brandy na magbabalik aksiyon sa Linggo upang bigyang daan ang Sema-na Santa.

Si Uichico ang mag-gigiya ng host na South All Stars habang si Favis naman ang magmaman-do ng North All Stars

Matapos ang siyam na laro, may pitong panalo na ang San Miguel tampok ang mainit na five-game winning streak matapos ang 103-94 pananalasa sa defending champion Barangay Ginebra.

Nakasunod naman ang Tigers sa taglay na 6-2 win-loss slate matapos ang 108-104 overtime win laban sa Sta. Lucia Realty noong Linggo na sumi-guro ng coaching slot para kay Favis.

Si Favis ang ikala-wang rookie coach na magpapakitang gilas sa All-stars. Ang una ay si Sta. Lucia coach Alfrancis Chua noong 1999.

Ito naman ang ikala-wang All-Star coaching stint ni Uichico na unang sumabak sa All-Stars noong 2001.

"Coaching the All-Star means you’re doing well with your team," pahayag ni Uichico na inaasahang magmamando kina Eric Menk ng Gin Kings, James Yap ng Purefoods, Jimmy Alapag ng Talk N Text at Dondon Hontive-ros ng San Miguel na siyang nangunguna sa kaagahan ng All-Star balloting.

Sina Romel Adducul ng Ginebra, Beermen Danny Seigle at Enrico Villanueva ng Red Bull kasama sina, Mark Ping-ris at Kerby Raymundo ng Purefoods at Air21 sophomore Nino Cana-leta ang top vote getters para sa North All Stars.

Magpapatuloy ang aksiyon sa kasalukuyang All-Filipino Cup sa Linggo kung saan nakatakdang magharap ang Red Bull at Alaska sa unang laro sa Araneta Coliseum sa alas-4:10 ng hapon na susundan naman ng sagupaan ng Talk N Text at Air21 sa alas-6:35 ng gabi. (CVOchoa)

Show comments