Sa kauna-unahang pagkakataon, sa taong ito, ang buong miyembro ng champion teams ay awtomatikong kuwali-pikado na sa susunod na taon na karera at di na kailangang dumaan pa sa qualifications na kasama ang top-three ng overall individual classification at ang rookie of the year.
Mamimintina ng champion ang kompo-sisyon ng kanilang kopo-nan kayat magkakaroon ng pagkakataon ang champion team na ipag-tanggol ang kanilang korona.
Ang insentibong ito ang kukumplimento sa pagbaba ng team prize sa P700,000 mula sa dating P1 milyon gayunpaman ay lumaki ang premyo ng individual overall champion na ngayon ay P150,000 na mula sa P100,000.
Ayon kay Gary Cayton, presidente ng nag-oorga-nisang DOS 1, inurong ang Tour na dating naka-sche-dule sa Abril 20-30 dahil sa pagbabago sa ruta at para na rin matiyak ang seguridad ng mga partisipante.
Ang opening lap ng karera ay sa Quezon City circle patungo sa Cabana-tuan City (119.70 km). at tatapusin ito ng regular criterium race sa Manila tulad ng naka-gawian. (CVO)