Siguradong magiging mainit ang sagupaan ng Elasto Painters at ng Jewels sa pambungad na laro sa alas-2:00 ng hapon na susundan ng engkwentro ng Toyota-Otis Sparks at ng bagitong TeleTech sa alas-4:00 ng hapon.
Inaasahang gagamitin ng Rain or Shine ang kanilang epektibong frontline combination nina 6-foot-10 Samigue Eman, 6-foot-7 JR Reyes at ang pares nina 6-foot-5 Marvin Ortiguerra at Jun Cabatu.
Gayunpaman ay tatapatan ito ng Davao-based Jewels na sasandal sa kanilang backcourt combo na sina Froilan Baguion, Al Vergara at Alex Compton.
Hangad naman ng bagong saltang TeleTech Titans na masundan ang kailang kauna-unahang panalo sa liga laban sa Granny Goose Tortillos, 78-69 matapos matalo sa unang dalawang asignatura.
Hangad naman ni Toyota Otis coach Louie Alas na masundan ang kapana-panabik na 76-74 panalo laban sa Harbour Centre noong Sabado bagamat hindi nasiyahan si coach Louie Alas sa inilaro ng kanyang mga players. (Carmela V. Ochoa)