Pinoy wildcard nakalusot

Nakaligtas sa first round ang Filipino wild card entries na sina Kyle Joshua Dandan at Noelle Conchita Zoleta matapos na umiskor ng magkahiwalay na panalo sa 17th Mitsubishi Lancer International Juniors Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tinalo ni Dandan ang Chinese qualifier na si Zhou Zhou-Qing, 1-6, 6-4, 7-5, habang niyanig naman ni Zoleta ang Australian na si Lucy Dougherty, 6-1, 6-0.

Susunod na sasagupain ni Dandan, 16-anyos na miyembro ng 2005 RP Junior Davis Cup team ang Australian na si Greg Jones, ang world juniors No. 54 na nakarating sa third round ng ITF Juniors sa Bangkok noong nakaraang linggo.

Sasabak naman si Zoleta, kakatawan sa bansa sa nalalapit na Federation Cup sa Korea, ang wolrd’s No. 32 at top seed na si Sancha Jones.

Sa iba pang resulta, namayani ang Chinese qualifier na si Bai Yan kay Carl Mikael Sundberg ng Norway, 6-1, 6-0 upang itakda ang kanilang paghaharap ng No. 6 Australian na si James Lemke, habang ginapi ng Korean qualifier na si Choi Jae-Won ang local wild card na si Ralph Kevin Barte, 6-4, 6-1 at isaayos ang kanilang paghaharap ng No. 8 Indonesian na si Faisal Aidil.

Show comments