Subalit hindi ang pagtatapos ng eskuwela ang kanilang ipinagdiriwang. Sa halip ay inaalala nila ang nasawi nilang kaibigan, kaklase, at miyembro ng koponan ng paaralang Tiger Sharks na si Kenji Kanai. Si Kenji ay isang 511" na point guard na namatay sanhi ng isang aksidente sa harap ng Ateneo de Manila noong nakaraang Hulyo, sa edad na 16. Ang nakabundol, isang Timothy Abejuela, ay malakas sa mga opisyal ng Philippine National Police, at pinaboran ng mga pulis sa Camp Karingal bago siya kinasuhan. Hanggang ngayon, wala pang nangyayari sa kaso, na ngayong gumagapang sa Quezon City Metropolitan Trial Court.
"I have mixed emotions," pag-amin ng ina ni Kenji na si Susan, na lumuluha pa rin tuwing pinag-uusapan ang solong anak. "The case isnt going well. Its I have to move on. Im giving myself activities to keep my mind off it.
Siyempre depressed kami, kasi alam naming walang nangyayari. Malungkot talaga, dahil wala si Kenji sa bahay. Until now, its in the Metropolitan Trial Court, and were stuck in the settlement. Pangako sila ng pangako, pero sila rin ang bumabali sa pangako nila."
Para muling mailantad ang kasong nalubog sa mga anino, naisip ng ilang mga kaibigan ng pamilya Kanai na magkaroon ng isang exhibition game bilang pagpaparangal kay Kenji.
"Susan always used to eat at our restaurant, and now shes a student of mine at Bakbakan, so I asked her, through Dinky Doo, if we could have an exhibition game, because Kenji loved basketball," paliwanag ng actor at movie producer na si Ronnie Ricketts. "I said I would take care of it. All these celebrities came here for Kenji. Its two things. The case of Kenji is being forgotten. Were still hoping for justice. Noong isang araw, namatay naman ang anak ni Darius Razon sa ganoon ding kaso."
"This game is a tribute to Kenji, because its the last day of the school year, since we all know that he was a graduating student, and he didnt graduate," dagdag ni Beaujing Acot, head coach ng Benedictine International School. "So we gave him importance, because of all the memories he gave us for five years. Until now, the case is still not moving. Since November, nothing has been happening to the case."
Maging mga kaibigan mula sa PBA ay dumalo.
"Im here to give support to the family. Growing up, I had my own dreams also. Because of what happened, Kenji didnt fulfill his dreams," sabi ni San Miguel Beer guard Olsen Racela. "I also know how it feels to lose a loved one. My Dad passed away two years ago. This benefit game should serve to keep the memory of Kenji alive."
"It will help build awareness so the case will move," sabi pa ni Dondon Hontiveros. "Were also here to help support Susan. Were here to comfort them and be friends to them. Hopefully they will get justice."
"This is a tribute to the family of Kenji; we wanted to make some noise so people will notice the case," dagdag ng actor na si Onemig Bondoc. Ang pamilya Bondoc ang may-ari ng paaralan."Nakakahiya. Parang lahat na lang nadadaan sa pera. Huwag sana tayong magpadala sa pera o sa posisyon.
Tignan natin kung sino talaga ang may kasalanan, at bigyan natin ng hustisya ang pamilya."
Ang silid-aralan ng fourth year ay ginawang parangal kay Kenji, at pinuno ng mga uniporme at larawan niya.
Dumating din ang University of Santo Tomas Growling Tigers na sina Badong Canlas, Chester Taylor at dating national youth player Dylan Ababo kasama ang mga Jose Rizal Universitys Heavy Bombers na sina Floyd Dedicatoria, Macky Acosta at Maui Pradas, na nakilaro kasama ng Tiger Sharks. Kinalaban nila ang mga celebrity players, na ang naging coached ay si Ronnie Ricketts at tinawagan ng komedyanteng si Dinky Doo. Ang mga naglaro ay sina Jeffrey Santos, Ace Espinosa, Ryan Ramos, Gerald Pizarro, Jhon Medina, Jeffrey Tan, URCC champion Philip Yong, Ramon Mabayo, Junjun Mena, Kevin Vernal, at Ricardo Cepeda, na sinamahan ni Olympic silver medalist Onyok Velasco at Onemig Bondoc at ng inyong lingkod. Dahil sa mga artista, natunugan din ng media ang kaso.
"Hindi ako galit, ang masasabi ko lang ay, paano kung nangyari ito sa kanila?" ani Susan Kanai. "Paano kung sila itong naghihintay, at nakikita nilang nawawala yung kaso na walang nangyayari? Nawalan ako ng anak. Napakasakit, kahit anong sabihin nila."
Sana nakikinig ang mga awtoridad.