"I thank the newly-elected NCFP board of directors for giving me the mandate to lead this organization into a bright future," anang butihing Mindanao solon mula sa 1st District ng Surigao del Sur, na siya ring Vice-chairman ng Commission on Appoint-ments.
At bilang panimula, magtatanghal ito ng torneo na tatawaging "Congressman Prospero Butch Pichay Presiden-tial Invitational Cup, na magsisilbing training regimen ng mga tituladong players.
Kabilang din sa mga plano ng bagong pangu-lo ay ang kauna-una-hang Philippine Interna-tional FIDE-rated Open para sa benepisyo ng daang-daan local play-ers na makakaipon ng ELO ratings, dalawang Grand-master tourna-ment na balak gawin sa Subic at Baguio City at grassroots develop-mental program na makikilalang "Pilipinas Pinag-isa ng Chess."
"We want to bring back the supremacy of the Filipinos in the field of chess as we did before," dagdag ni Pichay, na ginunita ang malakas na tinapos ng RP Chess Team bilang No. 12 sa mundo, No. 2 sa Asya at No. 1 sa Southeast Asia sa 2004 Mallorca Chess Olympiad sa Spain.
Ang 12 Board of director ay sina outgoing president Go Teng Kok, lawyers Samuel Estimo, Edmundo Legaspi, Romeo Seratubias at dating Benguet governor Raul Molintas, Tagaytay City mayor Abraham "Bambol" Tolentino Jr., RP six-time executive cham-pion dentist Jenny Mayor, Willie Abalos, Casto "Toti" Abundo Jr., Ed Madrid, Red Dumuk at Jess Torre.
Napanatili naman chairman of the board si Quezon City 3rd district representative Matias "Mat" Defensor.
Napiling internal at external vice president sina Madrid at Seratubias, treasurer si Dumuk at auditor si Legaspi. (CVO)