2 korona tinuhog ng La Salle-Dasma

Kumana ang La Salle-Dasmariñas ng dalawang pares na two-game sweep upang kunin ang men’s at women’s titles ng NCRAA volleyball championships noong Biyernes sa San Andres gym.

Nasukbit ng DLSU-Dasma Patriots ang kanilang ikaapat na men’s crown, matapos ang 25-23, 25-23, 19-25, 25-15 pananaig laban sa St. Francis Doves.

Sa kabilang dako, humatak naman ang Lady Patriots ng 25-22, 25-27, 25-16, 27-25 panalo laban sa Polytechnic University of the Philippines Lady Maroons.

Ito ang ikatlong karangalan ng Lady Patriots sa ilalim ni coach Jasmine Bacolod.

Tinalo ng Patriots ang Doves, 25-20, 25-27, 25-23, 20-25, 15-11,  upang kunin ang 1-0 abante sa Game 1 ng kanilang best-of-three title series habang sa kababaihan naman nanaig ang Lady Patriots sa Lady Maroons, 25-21, 25-18, 27-25.

Show comments