Ipinamalas ni Rubillar, ang number one challenger sa WBC junior flyweight na hawak ni Fil-Am Brian Viloria, ang mababangis na kamao nang pahinain niya ang tubong Cebu na si Canete sa mga suntok sa bodega.
Hindi man niya pinatulog ang kalaban, ay kitang kita ang dominasyon nito sa katunggali para sa 100-90, 99-91 at 100-90 iskor tungo sa unanimous decision.
Si Rubillar ay nagpapakondisyon nang husto bunga ng inaasam na mandatory fight laban kay Viloria na itinakda sa Mayo 6.
Bagamat nagpahayag si Viloria, na sariwa sa unang pagdepensa sa WBC title laban kay Jose Antonio Aguirre nitong Pebrero 18, na handa niyang harapin si Rubillar kahit saang lugar ay wala pa rin siyang komento rito dahil wala pang abiso ang kanyang manager na si Gary Gittelsohn.
May alok nang ibinigay ang kampo ni Rubillar sa pamamagitan ng promoter na si Gabriel Bebot Elorde sa WBC pero hindi pa umano ito napapasakamay ng kampo ni Rubillar. (LMConstantino)