Naging magaan ang tagumpay ng Gin Kings sa kanilang debut game noong Miyerkules laban sa Talk N Text, 98-81 sa pagbibida ni Mark Ca-guioa na bagamat may pag-aalinlangan sa kan-yang kalusugan bago magsimula ang kumpe-rensiya ay nagpamalas ito ng eksplosibong laro upang ihatid ang Ginebra sa tagumpay.
"Were trying some small stuff and work out some detail na medyo obvious nung last confe-rence specially our turn-overs limit it to 16 dahil dati were averaging 20. Were trying to improve and hopefully it will get better," pahayag ni Tanquingcen.
Hindi gaanong naka-pag-practice si Caguioa gayundin si Jayjay Helter-brand noong break ngunit humataw si Caguioa ng 39-puntos upang bande-rahan ang Ginebra.
Hangad ng Ginebra na masundan ang pana-long ito sa pakikipagharap sa Sta. Lucia Realty sa alas-6:30 ng gabi pag-katapos ng sagupaang Air21 at Talk N Text sa pambungad na laban sa alas-4:10 ng hapon.
Kasalo ng Gin Kings sa 1-0 karta ay ang walang larong Purefoods sa likod ng Tigers na may malinis na 2-0 record habang ang Sta. Lucia ay may 0-1 record tulad ng Express, Phone Pals at Red Bull.
Inaasahan ni Tan-quingcen na siguradong babawi ang Sta. Lucia sa kanilang 88-104 pagka-talo sa Purefoods noong Miyerkules upang salu-han sa 1-1 record ang Alaska at San Miguel Beer.
Nasayang ang 31-puntos na produksiyon ni Dennis Espino para sa Realtors sa kanilanng nakaraang laro dahil sa 88-104 pagkatalo laban sa Purefoods.
Nais ring makabawi ng Air21 sa 83-104 pagka-talo sa Tigers noong opening day. (CVOchoa)