Vergel Meneses magbabalik?

Sino’ng may sabi na walang pera ang mga Pilipino?

Sobrang mahal ng mga tickets para sa world wrestling event last Feb. 24 and 25 sa Araneta Coliseum pero sa maniwala ka o hindi, sold out ang tickets.

Ang presyo ng mga tickets ay napakamahal, mas mahal pa sa presyo ng tickets ng concerts ng kahit na sinong artist na nag-perform rito, local man o foreign.

Literally, hanggang bubong ang mga tao and as early as one month ago, halos sold out na ang mga tickets.

May mga tickets selling at P10,000 pero ubos din ito.

Grabe ang naging pagkabaliw ng mga Pinoy sa mga wrestlers na ito na walang ginawa kundi ang magdaganan, magtapunan, at magsapakan.

Habang tension na tension ang mga Pinoy sa mga threats ng coup nung EDSA celebration, sa mga rallies at kung anu-ano pa, walang pakialam ang libu-libong nasa Araneta Coliseum na enjoy na enjoy sa walang puknat ng banggaan at liparan sa ere  ng mga malalaking katawan.

Walang ticket na mura ang halaga. Mula sa baba hanggang sa kadulu-duluhan ng  general admission eh mahal.

Pero ubos. Simot. At ang dami pang naghahanap.

Yan ba ang walang perang Pinoy?
* * *
Kinakailangang makahanap ng isang matinding sentro ang Purefoods kung nais ulit nilang makarating para sa finals ng darating na PBA All-Filipino conference.

Akala nila eh si Homer Se na ang kasagutan sa problema nila pero hindi pala.

Ibinalik nila sa Air 21 si Homer dahil sa advice ng physicians nila na may problema pa sa tuhod niya si Homer.

Naunsiyami ang deal at nabulilyaso na rin.

Kaya ngayon, may problema na naman ang Purefoods.
* * *
Si Mr. Michael Lhuillier na ang bagong Chairman ng BAP.

Pinalitan niya si Tiny Literal.

Very supportive si Mr. Lhuillier sa RP sports, lalo na sa basket-ball.

Sigurado akong magbabago na ang complexion ng BAP with Mr. Lhuillier as its chairman.

Yan ay depende of course kung paano mare-recognize ng basketball community ang BAP.
* * *
Si Derick Pumaren ay maka-ilang beses ng naging coach ni Vergel Meneses.

At ngayong nakabalik na si Derick sa PBA, makabalik na rin kaya ang career ni Vergel?

Magkaroon na kaya ng resurrection si Vergel Meneses ngayong all-Filipino conference?

Sana nga.

Show comments