Ito ang ika-2 torneo ni Orcullo sa Amerika matapos manalo sa 2006 International Pool Tour (IPT) 8-Ball Shootout qualifier na ginanap naman sa Hard Times Billiards Hall sa Bell-flower, Los Angeles, California noong nakaraang Linggo.
Naging biktima ng 27- anyos na tubong Bislig, Surigao del Sur na si Orcullo si dating world 9-ball champion Oliver Ortmann ng Germany, 10-6, sa IPT finals para isubi ang US$13,000 premyo at pagkuha sa 2006 IPT card.
Bago ang US back to back title, si Orcullo, nasa ilalim ng stable ni Perry Mariano, nanalo sa second episode ng Cue Masters Showdown.