"In view of the current situation, participating countries have been duly advised by their respective governments against traveling to the Philippines for the time being," pahayag ng organizer.
Idinagdag din nila na nakikipag-ugnayan sila sa IBF (International Badminton Federation) para sa isang akmang panahon na nasa kanilang international calendar.
Gayunpaman, nagpahayag ang lahat ng mga dayuhang manlalaro ng kanilang pagnanais na magpunta sa bansa para maglaro sa blue-ribbon event kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon ng bansa.
Samantala, lahat ng nakabili na ng ticket para sa event na ito at may bisa pa rin para sa bagong iskedyul na event. Para sa refunds, makipag-ugnayan sa Ticketworld.
May 200 players mula sa 15 bansa ang naunang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon sa limang araw na event, ang kauna-unahang four-star tournament na gaganapin dito sa Pilipinas.