Nagdesisyon ang Alaska na ipamigay si Rich Alvarez, ang Rookie of the Year ng nakaraang season, sa Red Bull sa isang trade na napagkasunduan kahapon.
Kapalit ni Alvarez, nakuha ng Aces mula sa nag-leave-of-absence na Shell, ay dalawang first round pick ng Bulls. (2006 at 2007 first round draft picks.)
Bukod kay Alvarez, kahati niya sa small forward position sina Reynell Hugnatan at Tony dela Cruz na nakuha rin ng Aces mula sa Shell.
Si dela Cruz ang higit na nabibigyan ng playing time sa dalawa.
Sa paglipat ni Alvarez sa Red Bull, ang kampeon ng katatapos lamang na San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference, muli niyang makakasama ang kanyang mga Ateneo teammates na Enrico Villanueva, Larry Fonacier at Paolo Bugia.
Kamakailan lamang, nakipagpalitan din ng player ang Alaska sa San Miguel Beer kung saan nakuha nila ang beteranong si Nick Belasco kapalit ni Brandon Lee Cablay.
Kukunin ng Alaska sina Rensy Bajar at Eddie Laure para punan ang posisyon na iniwan ni Cablay.
Dahil nagkaroon ng bakanteng slot sa pagkawala ni Alvarez, planong kumuha ng Alaska ng role player.
Umaasa ang Alaska na sa paraang ito, makakabawi sila sa nakakadismayang performance sa nakaraang kumperensiya bagamat sila ay isa sa paboritong koponan bago magsimula ang 2005-2006 season.
Magsisimula ang PBA All-Filipino Conference sa Marso 5. (Carmela Ochoa)