WWE Raw Live Tour ngayon sa Big Dome

Sa wakas ay makaka-saksi na ang milyung-milyong tagasubaybay ng wrestling sa nakatakdang World Wrestling Entertain-ments (WWE) Raw Live Tour ngayong gabi sa Araneta Coliseum.

Ang pinakasikat na wrestler ng WWE na si John Cena ay sasabak kay Edge sa unang araw ng Tour. Makakasama ni Edge si Lita habang ang referee sa labanang ito ay si Mick Foley.

Isusunod naman dito ang laban nina Big Show at Triple H.

Ipagtatanggol naman ni Ric Flair ang kanyang intercontinental title laban sa humahamong si Shelton Benjamin.

Para sa women’s title, maghaharap naman ang title holder na si Trish Stratus at ang kanyang challenger na si Torrie Wilson.

Sa press conference ng naturang event kaha-pon na gi-nanap sa Cine-plex 3 ng Gateway sa Cubao, nagkaroon na ng girian sina Trish at Torrie at inaasahang madadala nila ito sa laban ngayong gabi.

Sa iba pang matches, maghaharap naman sina Viscera at Snitsky, RVD kontra kay Carlito, Val Venis laban kay ‘The Masterpiece’ Chris Masters at Chavo Guerrero laban kay Tyson Tomko.

Dahil maa-gang naubos ang ticket, nagka-roon pa ng pangalawang araw ang Tour na gaganapin bukas tampok ang cham-pionship duel sa pagitan nina Cena at Edge.

Maghaharap din sina Flair at The Masterpiece sa intercontinental cham-pionships na inaasahang magiging maaksiyon.

Mapapasabak din si Mick Foley kasama ang kanyang World Tag Team champion partner na si Big Show laban kina Triple H at Carlito sa tag team match. Sa women’s division, magsasagupa sina Trish Stratus at Ashley Massaro laban kina Torrie Wilson at Lita kung saan si Val Venis ang referee.

Ang "WWE Raw Live Tour" ay hatid ng Petron, SMART Communica-ions, PLDT, Bacchus, Pizza Hut, Rogin E, Bacchus, OHM, Magnolia Cheezee, Holiday Inn, Crowne Plaza Hotel, Master, Solar Entertain-ment, Philippine Charity Sweepstakes Office, Jack TV, Magic 89.9, Jam 88.3, K-Lite 103.5, Wave 89.1 at Araneta Center. 

Show comments