Ang Rookie Camp ay magbibigay ng pagkakataon sa mga aspiring players ng tsansang ipakita ang kanilang talents para makalaro sa isa sa mga koponan ng premier amateur basketball league ng bansa.
Para sa mga nais sumali, maaaring magsumite ng kanilang application form sa PBL office sa Unit 2302-A West Tower, Philippine Stock Exchange Centre, Exchange Road sa Pasig City.
Ang deadline ng submission ng forms ay alas-12:00 ng tanghali sa March 1 ngunit para sa mga nagsumite na ng forms sa mga nagdaang camps ay hindi na dapat pang magpasa.
Sinabi ni Maniego na ang susunod na torneo na 2006 Unity Cup ay pansamantalang nakatakda sa March 25 kung saan ang Rain or Shine ang defending champion.
Naghahangad naman ang Magnolia Dairy Ice Cream ng back-to-back championships matapos talunin ang Rain or Shine sa kapana-panabik na title series kung saan ang Wizards ay naghabol mula sa 0-2 deficit at kinumpleto ang kanilang comeback sa pagkopo ng titulo.
Ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng liga na nakabangon ang isang koponan mula sa 0-2 deficit at pinuri ni coach Koy Banal ang pananampalataya ng kanyang koponan para sila ay magtagumpay.
Nakahimok din ng malaking crowd ang nakaraang finals na ginanap sa San Andres gym na ngayon lamang uli nangyari matapos ang mahabang panahon.
"There was no doubt that it was one of the best finals we had in years. There was a drama and the support ofthe crowd was really tremendous," sabi ni Maniego, na nagpasalamat kay Manila Sports Council Chairman Ali Atienza na pumayag na gamitin ang kanilang pasilidad.