World’s No. 3 lady player babanderahan ang HK team

Ipamamalas ni Wang Chen, ang world’s third ranked player s ladies singles ang kanyang tikas sa harapan ng mga local fans at kontra sa mga mahuhusay na kalahok kung saan babanderahan niya ang kampanya ng Hong Kong sa Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Champion-ships na ipi-prisinta ng PLDT Business Solutions na magsisimula sa Marso 1 sa PhilSports Arena.

Galing ang 30-anyos na si Chen mula sa third place finish sa nakaraang German Open at quarter-final stint sa All England Open at handang-handa na itong sumabak sa field ng mga batang manlalaro mula sa iba pang bansa na magpapakita ng aksi-yon sa $120,000 event sa loob ng limang araw.

Mapapasabak ang back-to-back winner sa Indon Open at Asian Championships noong nakaraang taon na si Chen laban sa Dutch tandem nina Yao Jie at Mia Audina Tjiptawan, ranked Nos. 6 at 7, ayon sa pagkakasunod sa kanilang side event na inorganisa ng img at hatid ng Bingo Bonanza, JVC, PLDT at Smart.

Makakasama ni Chen sa listahan ng Hong Kong squad sina Pui Yin Yip, ranked 25th sa world, Ka Shun Ng, Sin Yee Wong at Hoi Wah Chau, habang ang World No. 12 na si Wei Ng ang mangunguna sa men’s cast na kinabi-bilangan nina Yohan Wiratama, Agus Hari-yanto, Yan Kit Chan, Wai Hong at Yuk Wong Hung.

Magpapadala rin ang HK team ng 3 teams sa bawat men’s at ladies doubles at pitong pares sa mixed doubles sa pangu-nguna naman ng world No. 29 ranked na si Albertus Susuanto at Wing Mui Li.

Ang iba pang nag-kumpirma ng kanilang paglahok sa event na ito na suportado rin ng Jam 88.3, 99.5 RT, Magic 89.9, 103.5 K-Lite, Wave 89.1, Snickers, Toby’s Sports, The STAR, Badminton Asia, Inquirer Badminton, Fossil Watches, Bacchus Energy Drink, Accel, Yonex Sunrise, Crowne Plaza, ang official hotel, at Solar Sports, ang official TV partner, ang four-player contingent mula sa Vietnam.

Ito’y sina Nguyen Tien Minh, Nguyen Quang Minh, Tran Thanh Hai at Le Ngoc Nguyen.

Show comments