Dahil dito, asahang magiging matensiyon at maaksiyon ngayon ang winner-take-all match ng Magnolia at Rain or Shine sa deciding Game-Five ng 2006 PBL Heroes Cup ngayong alas-3:00 ng hapon sa inaasahang dudumuging San Andres Gym sa Malate, Manila.
Matapos makabangon ang Magnolia sa 0-2 pagkakabaon sa best-of-five serye nang kanilang napagtagumpayan ang Game-Three at Four upang itabla ang serye sa 2-2 panalo-talo, mataas ang morale ngayon ng Wizards.
Dagdag pa ito, magkakaroon sila ng bentahe sa labanang ito dahil haharapin sila ng Elasto Painters na wala ang kanilang key-player na si Jojo Tangkay.
Gayunpaman, sa likod ng pagsisilbi ni Tangkay ng one-game suspension na ipinataw sa kanya ng PBL Commissioners Office, hindi ito nakapanghina sa determinasyon ng Rain or Shine para sa kanilang ikapitong sunod na titulo sa ika-12th finals appearance.
"This team has a pride and character, we will not allow the suspension of Tangkay to spoil our bid. This is the challenge we have to face head on," wika ni Garcia na nananatiling may kumpiyansa sa kanyang tropa.
Sinuspindi si Tangkay dahil sa kanyang magkasunod na unsportsmanlike foul sa Game-Three at Four kung saan nakita itong sinapak niya ang star player ng Wizards na si Arwind Santos.
Naniniwala naman si coach Koy Banal na mapanganib pa rin ang Elasto Painters kahit wala si Tangkay.
Sa pagkawala ni Tangkay, kailangang mapunan ito nina Jun Jun Cabatu, JR Reyes, Eugene Tan, Ronjay Enrile at Marvin Origuerra at kailangan din nilang pigilan sina Kelly Williams at Santos na siyang haligi ng Magnolia.