"Brian is stronger and faster. All he has to do is find the right time and opportunity to land his knockout punch," wika ni Pacquiao.
Malaki ang respeto ni Pacquiao sa bilis at pun-ching power ni Viloria. Napanood na niya itong lumaban at pareho silang sumailalim sa pagsasa-nay ni Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.
"Im sure Aguirre will be defensive-minded because he is aware of his (Vilorias) power."
Nakopo ng 25 anyos na si Viloria ang titulo sa pamamagitan ng sensa-tional first round na pag-dispatsa sa isa pang Mexican na si Eric Ortiz noong Setyembre 10, 2005 sa Staples Center sa Los Angeles, Califor-nia. Ang araw na winasak ni Pacquiao si Hector Velasquez sa anim na rounds.
Ang ipinagmamalaki ng mag-asawang mula sa Narvacan, Ilocos Sur ay wala pang talo sa 18 laban na 12 nito ay sa pamamagitan ng knock-out.
Si Pacquiao ay maka-kasama ng beteranong boxing commentator na si Quinito Henson upang magsagawa ng blow-by-blow account sa depensa ni Viloria.
"He (Viloria) should throw more jabs and move his hips more often."
Ang mga jabs, ayon kay Pacquio ay magtata-tag sa rhythm at timing ni Viloria habang ang kan-yang hip movement ay magbibigay sa kanya ng madaling paglapit sa kalaban.
"Its like the crossover in basketball," patukoy ni Pacquiao sa hip move-ment. "Your opponent will not know where your punch will come."
Ngunit hindi rin dapat balewalain ni Viloria ang kalaban. Si Viloria, ang dating champion, sa mini-mumweight division ng WBC sa loob ng apat na taon at may record na 33-4-1, 20 KOs.