At siyempre nagkita-kita kami ng mga long time friends ko sa PBA like Jenny Guiao (wife of Red Bull coach Yeng Guiao), Ianne Limpot (wife of Purefoods player Jun Limpot), Bing Magsanoc (wife of Ronnie) at Cindy Patrimonio.
Bitbit nila ang kani-kanilang mga anak. Shock nga ako dahil malalaki na sila.
Mas na-shock ako ng makita ko na may bitbit na baby si Cindy. Tinanong ko at doon ko nalaman na anak nga niya. Ibig sabihin, may 4 mos. old baby pa si Alvin. Malaki na rin naman kasi yung bunso na sinundan nito. Pang-4th child ni Alvin at Cindy ito at buti naman at boy. Ang panga-nay ay si Angelo, 16, Cristine 13, at Anna Clarice 11.
At siyempre kakalat-kalat din si Tito Ed Ponceja at bitbit niya si Danica Sotto. Confirm na nga na sina Danica at ang alaga ni Tito Ed na si Mark Pingris na.
Sobrang in love talaga sa isat isa sina Kris at James.
Wish ni Kris na si James na nga talaga ang lalaki sa buhay niya. At sa tinatakbo ng kanilang relasyon, malamang na talagang forever na sa isat isa sina Kris at James. Wish ko rin naman.
Birthday ni Kris ngayon at bukas naman Feb. 15 si James ang may birthday. Kaya happy, happy birthday na lang sa inyong dalawa.