Makaraang pumangalawa ng dalawang beses sa sprint races na sanhi ng pag-akyat ni Primero sa third place sa Asian rider overall noong Sabado, hindi niya nasustinihan ang kanyang momentum nang masira ang kanyang spokes at dumating sa finish line na may 21-minuto at 51-segundong layo kay Hossein Askari ng Giant-Asia mula sa Taiwan, na siyang nanguna sa Asian division sa oras na 4:06.15.
Dahil sa kamalasang sinapit ni Primero bumagsak ito sa 23rd place overall.
Nasira naman ang chain ni Sherwin Carrera at tumawid ng finish line na may 24.08 minutong agwat sa stage winner habang nagka-cramps naman si Sherwin Diamsay at hindi siya nakaabot sa time limit.
Si Merculio Ramos na naka-fifth place sa Stage 1, ang may pinakamagandang pagtatapos, dahil sa kanyang 13th placing na may 18 minutong distansiya para sa 14th place overall sa 32 riders para sa kanyang aggregate time na 10:15.6, na may 20 minutong distansiya sa three-day leader na si Takashi Miyazawa ng Japan.
Nasa 16th place naman si Victor Espiritu matapos pumasok ng finish line bilang 17th rider habang nasa 20th place overall naman si Carrera na ika-19th place sa stage. Nasa 24th place naman si Bernard Luzon.
Ang pinakamasama nito, bumagsak ang Pagcor-Casino Filipino pro cycling squad na sinuportahan ang kampanya dito ng PhilPost, Air21, Unilab, UCPB Gen., Vellum Cycles at Philippine Sports Commission, sa kulelat na posisyon sa team overall, may 41 minutong agwat sa nangungunang Japan at 12 minutong layo sa Giant-Asia.