Noong panahon ni da-ting PSC chairman Carlos "Butch" Tuason, idiniretso rin ng komisyon sa mga at-leta ang financial support matapos magkaproblema sa kanilang cash advances ang mga NSAs.
"There were very spe-cial cases na the PSC can extend financial assistance to the athletes," sabi ni Gar-cia. "Hindi na yan dadaan sa NSA nila kundi diretso na sa mga athletes."
Umabot sa P92 milyon ang cash advances ng mga sports associations sapul pa noong 2002 mula sa ulat ng Commission on Audit (COA).
Bago pa man ang 23rd Southeast Asian Games noong Nobyembre 2005 ay nagbigay na ng deadline ang PSC para magsumite ang mga NSAs ng kanilang liquidations.
"Magpapadala kami ng isang cashier from the PSC to disburse the funds," wika ni Garcia. "Kami na ang magbabayad sa mga ho-tels, sa airline tickets at sa mga allowance ng mga ath-letes kapag may interna-tional competition sila."
Ang taekwondo, lawn tennis at weightlifting pa lang ang nakapagbibigay ng kanilang liquidation sa PSC. (Russell Cadayona)