Ipinarating ni Ramirez ang kanyang pakikiramay kay PSC Executive Secretary Atty. Gui-llermo Iroy.
"Alam na ni chairman yung nangyari at nalungkot siya," sabi ni Iroy. "Hindi kasi nakayanan ng crowd control nila yung mga taong nagtungo sa ve-nue para manood ng Wowo-wee."
Ayon sa ilang security personnel ng ULTRA, pina-ngangasiwaan ng PSC, nagkaroon ng tulakan nang magalit ang mga taong nakapila sa production staff ng nasabing noontime show.
"Aksidente talaga yung nangyari at hanggang ca-pacity lang ang kaya ng ULTRA kaya nga sa labas nangyari yung stampede," wika ni Iroy.(RCadayona)