RAIN or Shine kontra Magnolia

Naitakda ng Rain Or Shine at Magnolia Ice Cream ang kanilang titular showdown matapos ang kanilang panalo sa magkahiwalay na semifinal series kahapon sa PBL Heroes Cup na nagpatuloy sa San Andres Gym.

Umiskor si Jeffrey Chan ng tres sa huling 35.0 segundo upang ihatid ang Magnolia Wizards sa 92-86 sa double overtime win kontra Granny Goose sa unang laro.

Kumunekta rin ng tres si Eugene Tan sa natitirang 40.1 tikada para sa 69-59 tagumpay ng Elasto Painters laban sa Harbour Centre sa ikalawang laro.

Na-sweep ng Rain or Shine at ng Magnolia ang kanilang best-of-five semis series sa 3-0 panalo-talo bagamat nakakadalawang panalo pa lamang sila. Ito’y dahil sa kanilang taglay na one-game advantage bilang top-two teams ng eliminations.

Magsisimula ang best-of-five championship showdown sa Martes sa San Andres gym din kung saan nakatakda ring magsagupa ang Granny Goose at ang Harbour Centre para sa konsolasyong ikatlong posisyon ng torneo. (Carmela Ochoa)

Show comments