Rain or Shine, Magnolia nakalapit sa finals

Kapwa nakauna ang Rain or Shine at ang Mag-nolia sa kanilang hiwalay na semis match sa 2006 PBL Heroes Cup mata-pos ang kani-kanilang panalo kahapon sa San Andres Gym.

Sumandal ang Elas-to Painters kina Marvin Ortiguerra na umiskor ng mahalagang basket at Gilbert Malabanan na gumawa ng crucial stop tungo sa 69-67 pa-nalo laban sa Harbour Centre sa unang laro.

Nangailangan ang Magnolia Wizards ng dalawang overtime at krusyal na short stab nin RJ Rizada sa huling da-lawang segundo ng la-banan para igupo ang Granny Goose, 98-97.

Dahil may taglay na one-game advantage ang Rain or Shine at Ma-gnolia bilang top teams ng eliminations, isang panalo na lamang ang kanilang kanilang para makapasok sa finals. (CVOchoa)

Show comments