Ipinamalas ng Snack-masters na higit silang mahusay at matatag nang pigilan nila ang tangkang pagbangon ng Montaña.
Protektado ang 78-73 kalamangan, umiskor si Latonio ng long trey upang bitbitin ang Cebu-based squad sa semis sa ikatlong pagkakataon.
Dahil sa panalong ito, makakaharap ng Snack-masters ang No. 2 na Magnolia Dairy Ice Cream sa best-of-three semis simula sa Huwebes. Ang Rain or Shine na No.1 ay makakalaban naman ang No. 4 Harbour Centre sa isa pang semis pairing.