Maagang magsisimula ang PSA Awards Night

Sa kauna-unahang pagkakataon, magsisimula ng maaga ang Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night kung saan darating ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa grand ballroom ng Manila Pavilion ng eksaktong alas-7:00 ng gabi.

Lahat ng awardees, official at guest ay inaabisuhang dumating sa venue ng mas maaga sa itinakdang oras at ihahain ang dinner isang oras matapos ang pagsisimula ng pormal na programa.

Ang pangulong Arroyo na special guest sa isang simpleng dalawang oras na seremonya sa mga top sports achievers ng 2005 at ang mga guest of honor na sina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez, ang magkakaloob ng Chief Executive sa Team Philippines na napiling Athlete of the Year trophy matapos ang kanilang makasaysayang pananaig sa Southeast Asian Games na komopo ng overall title sa unang pagkakataon mula ng sumabak sa biennial meet noong 1977.

"We are requesting the awardees, guests, officials and all our friends to come as early since proper protocol will be observed during the program," ani PSA president Jimmy Cantor ng Malaya.

Pangungunahan ng diver na si Sheila Mae Perez ang listahan ng mga tatanggap ng major awards kasama ang 23 iba pa dahil sa kanilang mga naging tagumpay sa kani-kanilang sports.

Bibigyan din ng special citation ang lahat ng SEA Games gold medal winners sa nasabing pagtitipon na itinataguyod ng Red Bull, PSC at ni Manila Mayor Lito Atienza at ipalalabas ito sa NBA 4 sa slightly delayed basis gayundin ang San Miguel Corp., na ang P100 million na donasyon sa First Gentleman Foundation ang nakatulong sa pagpopondo sa training ng 13 National Sports Associations (NSAs) na nanalo ng pinagsamasamang 56 gold mula sa 113 gold medals ng Team Philippines na isinubi.

Show comments