Nakapag-officiate na si Bayless, protege ni American referee Richard Steele, ng malalaking laban at inilarawan sa isang boxing website na "decent" referee.
Siya ang referee sa Roy Jones-Antonio Tarver fight noong November 2003, Shane Mosley-Raul Marquez bout noong 2003 rin, at Bernard Hopkins-Oscar dela Hoya battle noong September 2004.
Ang mga judges ng labang tinaguriang "The Battle" ay sina Dave Moretti, Jerry Roth at Paul Smith.
Tulad ni Bayless, galing ang tatlo sa Nevada.
Ang nalalapit na laban nina Pacquiao at Morales, na ipapalabas sa pay-per-view, ay ang pinakamalaking boxing event sa taong ito.
Unang nagharap sina Pacquiao at Morales noong March ng nakaraang taon kung saan ang Mexican three-time champion ang nagtala ng unanimous decision matapos ang 12 rounds.
Si Joe Cortez ang referee noon kung saan nagkauntugan ang dalawang boksingero sa fifth round,na ikinatalo ni Pacquiao matapos ang malaking sugat sa kanang kilay.
Sinabi ni Cortez, na isa itong "good punch," na siyang nagligtas sa Mexican boxer sa deduction kaya nahirapan na ang Pinoy na manalo.
Base sa mga slow-motion replays ng untugan ng dalawa, malinaw na nang-headbutt ang Mexicano na tila aksidente lamang ngunit hindi ito "good punch" na siyang dahilan ng sugat at pagtagas ng dugo sa mukha ng Pinoy boxer.
Ayon kay Freddie Roach, ang American trainer ni Pacquiao, ang naturang headbutt sa March encounter ang naging best punch ng laban. Sabi ng isang boxing insider, si Cortez ay isang referee na nagbibigay ng pabor sa mga Mexican fighters at umaasa siyang hindi ganito si Bayless. (Abac Cordero)