Dinispatsa ni Gonzales ang Manila SEA Games veteran na si Bao Quang ng Vietnam sa 36 sulungan ng Queens Indian upang umiskor ng 3.5 puntos kasalo ang top-ranked player ng bansa na si GM Mark Paragua, dating Asian junior champion, GM Nelson Mariano II, Dimakiling, Laylo, GM Wu Shaobin ng Singapore, IM Gur Mittleman ng Israel, IM Ashot Nadanian ng Armenia at IM Salor Sitanggang ng Indonesia.
Tangka ni Gonzales, isang enlisted personnel ng multi-titled Philippine Army na maging ikapitong Pinoy GM.
Determinado naman si Dimakiling na makuha ang kanyang unang GM norm ng kanyang payukurin si IM Jason Goh ng Singapore sa 46-sulungan ng Slav Defense.
Mabilis namang nag-alok si Mariano ng draw sa kababayang IM na si Bitoon sa 15 moves ng Sicilian Defense, habang nakuntento naman si Laylo sa pakikipagtabla rin kay GM Wu Shaobin ng Singapore.
Bunga nito, nakatabla si Bitoon sa 2nd hanggang 6th place taglay ang 4 puntos kina GM Zhang Zhong at GM Ni Hua China, ex-world junior women champion GM Humpy Koneru ng India, GM Victor Mikhalevski ng Israel at Tu Hoang Thai ng Vietnam.
Base sa FIDE handbook rules, kailangan lamang ng manlalaro na umiskor ng 6 o kaya ay 6.5 puntos defende sa rating ng kanyang makakalaban ang makakauha ng grandmaster norm/results.
Samantala, patuloy naman sa pananalasa si Dr. Alfredo Paez ng kanyang iposte ang ikalimang dikit na panalo laban kay Melvyn Lim ng Singapore para makasalo sa liderato sa kapwa Pinoy na si Tolentino sa Challengers section.
Ginapi ni Paez, tubong Sta. Cruz, Marinduque si Lim sa 32 moves ng Dutch Defense upang ibabala ang kanyang kahandaan sa pagsungkit ng korona sa ikatlong sunod na pagkakataon sa FIDE nine-round Swiss event na ito.